Showing posts with label Suprise. Show all posts
Showing posts with label Suprise. Show all posts

Tuesday, May 31, 2011

Matutuwa ba ako o hindi?

Kailangan ko muna mag tagalog ngayon.

Kasi naman, sabi ng boss ko ni-google nya ang pangalan ko at nalaman nya sa pamamagitan ng isang link na may blog ako.

At nabasa nya ang blog ko!

Waaaaaah! O... hahahahhaha! (?)

Grabe, tawa talaga ako ng tawa (na parang naiiyak sa isip ko) dahil may bagong tagasubaybay ng blog ko... at boss ko pa.

Pahingi nga ng tubig, hindi ako makahinga. Hahahahaha!

At nang mahimasmasan na ako, heto ang naisip ko.